PABATID SA PUBLIKO PARA SA ORAS NG OPISINA NG SPCWD SA SETYEMBRE 30, 2026 (MIYERKULES)

Ipinababatid po ng San Pablo City Water District na ang aming mga opisina sa Maharlika Highway, San Pablo Shopping Mall, at SPCWD Complex, Brgy. San Jose ay magsasara bukas, Setyembre 30, 2026, sa ganap ng 12:00 ng tanghali, upang bigyang-daan ang pagdaraos ng SCPWD “Gabi ng Parangal” Rewards & Recognition program bilang bahagi ng pagdiriwang ng 126th Philippine Civil Service Anniversary (PCSA).

Pinapayuhan po ang lahat na planuhin nang maaga ang kanilang mga transaksyon upang makaiwas sa abala.

Para sa inyong mga bayarin sa tubig, maaari pong magbayad online sa pamamagitan ng GCash. Maaari rin po kayong magbayad sa aming mga partner payment centers: SM Bills Payment, Veterans Bank, at LandBank.

 

Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at pakikiisa.