May nasirang fire hydrant sa may LBC Sambat, Colago Avenue, na nagdudulot ng paghina o pansamantalang pagkawala ng supply ng tubig sa mga residenteng malapit sa lugar.
Kasalukuyan na pong inaaksyunan ng SPCWD Operations Team ang insidente upang agad na maisara ang gate valve ng nasabing fire hydrant at mapigilan ang patuloy na paglabas ng tubig.
Humihingi po kami ng paumanhin sa mga residenteng naapektuhan at sa anumang abalang maaaring idulot nito.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa.
