Kasalukuyan na pong nagsasagawa ng water rationing sa Brgy. Dolores upang makatulong na matugunan ang pangunahing pangangailangan sa tubig ng mga apektadong residente.
Dahil sa biglaang pagkawala ng kuryente, nagkaroon ng problema sa motor ang San Pedro Booster Station. Nagsasagawa na po ng assessment ang aming Technical Team upang matukoy ang kinakailangang aksyon at maibalik sa normal ang operasyon ng nasabing pasilidad sa lalong madaling panahon.
Patuloy din pong isasagawa ang water rationing sa iba pang mga barangay na apektado.
Para sa mga karunungan at iba pang concerns, maaari po kayong makipag-ugnayan sa SPCWD:
(049) 562-9955/(049) 547 0593
Facebook: San Pablo City Water District
Maraming salamat po sa inyong pangunawa at kooperasyon.
