Patuloy ang pagsisikap ng San Pablo City Water District na mapanatili ang maayos at tuloy-tuloy na serbisyo ng tubig sa pamamagitan ng pagsasagawa ng iba’t ibang repair and restoration activities. Isinasagawa ang mga pagkukumpuning ito upang maiwasan ang pag-aaksaya ng tubig dulot ng mga leaks at sirang linya, lalo na ngayong panahon ng El Niño kung kailan higit na mahalaga ang pagtitipid at pangangalaga sa ating supply ng tubig.
Hinihikayat namin ang publiko na agad ipagbigay-alam sa SPCWD ang anumang water leak, sirang linya, o iba pang water service concerns sa inyong lugar. Ang inyong pakikiisa ay malaking tulong upang mas mabilis naming matukoy at maaksyunan ang mga problemang nangangailangan ng pagkukumpuni.
Para sa inyong mga katanungan, concerns, o iba pang water service-related concerns, maaari po kayong makipag-ugnayan sa:
Landline: (049) 562 9955 / (049) 547 0593
Facebook Page: San Pablo City Water District
Maraming salamat po sa inyong patuloy na tiwala, pakikiisa, at suporta sa San Pablo City Water District. Sama-sama nating pangalagaan ang bawat patak ng tubig!