Narito ang ilan sa mga isinagawang repair and restoration works ng San Pablo City Water District PAMD Team upang patuloy na mapanatili ang maayos at tuloy-tuloy na supply ng tubig. Isinasagawa ang mga pagkukumpuning ito upang maiwasan ang pag-aaksaya ng tubig dulot ng mga leaks at sirang linya, at matiyak na bawat patak ay magagamit ng bawat tahanan sa ating komunidad.
Sa kabila ng mga hamon sa ating water supply, mahalagang patuloy nating isulong ang pagtitipid at pangangalaga sa tubig. Hinihikayat namin ang publiko na maging responsable sa paggamit nito at agad ipagbigay-alam sa SPCWD ang anumang water leak, sirang linya, o iba pang water service concerns sa inyong lugar. Ang inyong pakikiisa ay malaking tulong upang mas mabilis naming matukoy at maaksyunan ang mga problemang nangangailangan ng pagkukumpuni.
Para sa inyong mga katanungan, concerns, o iba pang water service-related concerns, maaari po kayong makipag-ugnayan sa:
Landline: (049) 562 9955 / (049) 547 0593
Facebook Page: San Pablo City Water District
Maraming salamat po sa inyong patuloy na tiwala, pakikiisa, at suporta sa San Pablo City Water District. Sama-sama nating pangalagaan ang ating water resources!