PABATID SA PUBLIKO

Alinsunod sa direktiba ng Pangulo ng Republika ng Pilipinas at sa Memorandum Circular No. 114, na nagtatakda ng pansamantalang pagpapatupad ng apat (4) na araw na pasok sa trabaho bilang bahagi ng mga hakbangin para sa pagtitipid ng enerhiya, susunod ang San Pablo City Water District (SPCWD) sa itinakdang iskedyul ng trabaho simula Hunyo 8 hanggang Hunyo 12, 2026.

Tinitiyak naman ng SPCWD na magpapatuloy ang pagbibigay ng serbisyo para sa mga nangangailangan ng agarang pagkukumpuni (repairs) at sa mga may katanungan o concerns kaugnay ng serbisyo sa tubig.

Para sa agarang tulong at iba pang concerns, maaari kayong magpadala ng mensahe sa aming Facebook Page: San Pablo City Water District.

Maraming salamat po.