SERVICE UPDATE: Hulyo 08, 2026 - San Crispin Production Well 1

SERVICE UPDATE | Hulyo 08, 2026

San Crispin Production Well 1

Patuloy ang isinasagawang pull-out at replacement ng Electric Submersible Pump at Motor sa San Crispin Production Well 1 ngayong araw upang maibalik sa lalong madaling panahon ang normal na operasyon ng pasilidad.

Samantala, upang makapagbigay ng pansamantalang supply ng tubig, nagsagawa na ang San Pablo City Water District ng water rationing sa Brgy. San Crispin at Brgy. Sta. Filomena. Magpapatuloy ang water rationing mamayang gabi sa Brgy. San Juan.

Para sa iba pang mga update at anunsyo, bisitahin lamang ang opisyal na Facebook page ng San Pablo City Water District.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pag-unawa, pakikiisa, at pasensya habang isinasagawa ang kinakailangang pagkukumpuni.