SERVICE ADVISORY
Emergency Repair - Distribution Line
Lynville Subdivision, Brgy. San Marcos
Hulyo 28, 2026
Dahil sa hindi inaasahang pagkakasira ng distribution line na dulot ng aksidenteng pagkakatama ng backhoe ng isang contractor, magsasagawa ang SPCWD ng emergency repair sa Lynville, San Marcos.
Habang isinasagawa ang pagkukumpuni, maaaring makaranas ng mahinang pressure ng tubig o pansamantalang pagkawala ng supply ng tubig ang mga apektadong kabahayan sa lugar. Tinatayang matatapos ang repair bandang 5:00 ngayong hapon.
Matapos ang repair, magsasagawa rin ng flushing upang matiyak ang malinis at maayos na kalidad ng tubig. Dahil dito, maaaring makaranas ang ilang mga residente ng pansamantalang paglabo ng tubig. Hayaan lamang po na dumaloy muna ang tubig sa gripo nang ilang minuto hanggang sa luminaw ito bago gamitin.
Humihingi po kami ng paumanhin sa abalang dulot nito at lubos na nagpapasalamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa.
Para sa mga katanungan at iba pang concerns, maaaring makipag-ugnayan sa:
(049) 562-9955 / (049) 547-0593
Official Facebook Page: San Pablo City Water District