SERVICE ADVISORY: Installation of Fire Hydrants

Isinasagawa ngayong araw ang installation ng fire hydrants sa Brgy. San Juan bilang bahagi ng patuloy na pagpapahusay sa ating water distribution system at paghahanda para sa mga pangangailangan sa panahon ng emergency.

Matapos ang installation, magsasagawa po ng flushing upang malinis ang linya at mailabas ang anumang naiwang sediments o debris sa loob ng pipeline.

Pinapayuhan po ang mga apektadong residente na patuluin muna ang kanilang mga gripo hanggang sa maging malinaw ang tubig bago ito gamitin.

Para sa mga katanungan at iba pang concerns, maaari po kayong makipag-ugnayan sa SPCWD:

 (049) 562-9955

Facebook: San Pablo City Water District

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikipagtulungan!