Philippine Arbor Day 2026 - “Trash to Treasure: Upcycling Challenge

SPCWD - CREAS

29 Hunyo 2026, Lunes | Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Philippine Arbor Day 2026, isang taunang pagdiriwang na nagbibigay-diin sa pangangalaga sa kalikasan at pagsusulong ng sustainable environmental practices, ginanap ngayong araw sa Regional Training Center ng San Pablo City Water District ang awarding ceremony para sa “Trash to Treasure: Upcycling Challenge,” ganap na 8:30 ng umaga.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng patuloy na adhikain ng SPCWD na isulong ang environmental responsibility at hikayatin ang mga kawani na maging aktibong kabahagi sa mga inisyatibong nagsusulong ng sustainability at responsableng pangangalaga sa kapaligiran.

Sa ilalim ng temang “From Waste to Wonder: Building a Sustainable Workplace,” ipinamalas ng mga kawani mula sa iba’t ibang departamento ang kanilang pagkamalikhain sa pagbuo ng mga functional office décor at organizers gamit ang mga recyclable at reusable materials. Sa pamamagitan ng challenge na ito, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagbibigay ng panibagong gamit at halaga sa mga materyales na karaniwang itinuturing na basura bilang bahagi ng pagsusulong ng responsableng paggamit ng likas na yaman.

Bahagi ng patuloy na environmental advocacy ng SPCWD ang pagsasagawa ng mga taunang programang naglalayong hikayatin ang iba’t ibang sektor ng komunidad na maging kabahagi sa pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan at sustainability. Noong nakaraang taon, nagsagawa rin ang SPCWD ng isang Digital Art Contest na nilahukan ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan sa San Pablo City upang gamitin ang kanilang talento at pagkamalikhain sa pagsusulong ng environmental awareness, water resource protection, at sustainability.

Narito ang mga nagwagi sa “Trash to Treasure: Upcycling Challenge”:

 

First Place

Rodrigo Estalilla Jr.

Technical Services Department

Php 5,000.00 Cash Prize

 

2nd Place

Robert Bryan Dela Rosa

Operations Department

Php 4,000.00 Cash Prize

 

3rd Place

Jenine Santillan

Office of the Assistant General Manager

Php 3,000.00 Cash Prize

 

4th Place

Mary Rose Muñoz

General Services Department

Php 2,000.00 Cash Prize

 

5th Place

Jayson Leonado

General Services Department

Php 1,000.00 Cash Prize

 

Naniniwala ang SPCWD na ang bawat simpleng pagkilos tungo sa pangangalaga sa kalikasan ay isang mahalagang hakbang sa pagbuo ng mas malinis, mas luntian, at mas napapanatiling kinabukasan para sa buong komunidad.

#SPCWD

#PhilippineArborDay2026

#TrashToTreasure

#UpcyclingChallenge

#BuildingASustainableWorkplace