Bilang suporta sa patuloy na pangangalaga sa Malabanban Watershed Forest Reserve, nagsagawa ng tree planting activity ang Raymond Banzuela International Publishing Services (RBIPS), sa pakikipagtulungan ng Time For Sharing Foundation at Sacred Heart International, noong ika-5 ng Hulyo 2026, bandang 7:00 ng umaga sa San Pablo City.
May kabuuang 30 volunteers ang nakiisa sa aktibidad, kabilang ang mga educators, authors, professionals, students, at community members. Sama-sama nilang naitanim ang 60 seedlings bilang ambag sa pangangalaga ng kalikasan at pagpapanatili ng watershed na nagsisilbing mahalagang pinagkukunan ng malinis na tubig.
Bukod sa adbokasiya nito sa larangan ng publishing at educational initiatives, aktibo ring nakikilahok ang RBIPS sa iba't ibang community development at corporate social responsibility (CSR) programs. Sa pakikipagtulungan sa Time For Sharing Foundation, patuloy nitong isinusulong ang mga proyektong pang-edukasyon, pangkapaligiran, makatao, at pangkomunidad na nagdudulot ng positibong epekto sa iba't ibang sektor ng lipunan.
Nagpapahayag ng taos-pusong pasasalamat ang San Pablo City Water District kay Raymond H. Banzuela, Founder and Managing Director ng RBIPS at President ng Philippine Chapter ng Time For Sharing Foundation, sa kanyang patuloy na suporta sa mga programang nagtataguyod ng edukasyon, paglilingkod sa komunidad, at pangangalaga sa kalikasan.
Nawa'y magsilbing inspirasyon ang gawaing ito sa iba pang mga organisasyon upang makiisa sa pangangalaga ng ating kapaligiran at mapanatili ang ating mga watershed at iba pang likas na yaman para sa mga susunod na henerasyon.
#SPCWD #TreePlanting #RBIPS #TimeForSharingFoundation #SacredHeartInternational
