Bilang bahagi ng mga hakbang upang mapalakas ang supply ng tubig, nagsagawa ng inspeksyon si General Manager Ar. Michael M. Manansala, kasama ang mga Department Heads ng Technical Services Department at Operations Department, sa ilang barangay upang matukoy ang mga angkop na lokasyon para sa pagtatayo ng mga shallow wells. Ang mga ito ay magsisilbing karagdagang mapagkukunan ng tubig na makatutulong sa pagpapalakas ng supply sa mga apektadong lugar.
Kabilang sa mga binisita ang Brgy. I-C (Bagong Bayan), Brgy. San Juan, Brgy. Del Remedio, Brgy. III-D, Brgy. San Jose (Malamig), at Brgy. IV-A.




