Personal na bumisita si General Manager Ar. Michael M. Manansala sa Brgy. San Gregorio ngayong araw upang beripikahin ang mga natanggap na report ng mahinang supply ng tubig sa lugar. Sa isinagawang inspeksyon at pakikipagpulong kay Chairman Rene Calabia, nakumpirmang maayos at malakas ang daloy ng tubig sa Barangay.
