Ovialand Inc. Tree Planting

SPCWD - CREAS

18 Hulyo 2026, Sabado | Matapos ang tatlong taon, muling nagbalik ang Ovialand Inc. sa Malabanban Watershed Forest Reserve, San Pablo City para sa isang makabuluhang tree planting activity na nagsimula bandang 7:30 ng umaga, kung saan 30 volunteers mula sa kumpanya ang nakisama sa aktibidad.

Hindi naman naging hadlang ang bilang ng nakiisa upang makapagtanim ng 1,000 seedlings, mas mataas ng 500 kumpara sa kanilang naitanim noong 2023. Ipinakikita nito ang kanilang mas matibay na dedikasyon sa pangangalaga ng kalikasan at sa patuloy na pagsuporta sa rehabilitasyon ng Malabanban Watershed.

Ang kanilang pagbabalik ay patunay na ang pangangalaga sa kalikasan ay hindi lamang isang beses na gawain, kundi isang pangmatagalang pangako.

Lubos ding nagpapasalamat ang San Pablo City Water District sa Ovialand Inc. sa pagdo-donate ng 1,000 karagdagang seedlings para sa Malabanban Watershed. Ang mga seedlings na ito ay magagamit sa mga susunod na tree planting activities, na magbibigay ng pagkakataon sa mas marami pang organisasyon na makibahagi sa pangangalaga ng kalikasan.

Sa pamamagitan ng ganitong mga aktibidad, inaasahang mas marami pang mga kumpanya, organisasyon, at indibidwal ang magiging katuwang sa pagpapanatili ng isang luntian at napapanatiling kapaligiran.

#SPCWD #TreePlanting #WaterConservation #EnvironmentalAdvocacy #OvialandInc