Ika-50 Anibersaryo ng Parole and Probation Administration (PPA) Tree Planting

SPCWD - CREAS

24 Hulyo 2026, Biyernes | Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-50 Anibersaryo ng Parole and Probation Administration (PPA), nagsagawa ng tree planting activity ang San Pablo City Parole & Probation Office sa Malabanban Watershed Forest Reserve, San Pablo City na nagsimula bandang 7:30 ng umaga.

Humigit-kumulang 200 ang nakiisa sa aktibidad, na binubuo ng mga parolees, probationers, Volunteer Probation Assistants (VPAs), mga kinatawan ng partner agencies, at mga kawani ng opisina. Sa sama-samang pagtutulungan, nakapagtanim sila ng 500 seedlings, isang makabuluhang ambag sa pagpapanumbalik ng kagubatan at pangangalaga ng watershed, lalo na sa panahon ng El Niño kung kailan higit na mahalaga ang pagtatanim ng mga puno upang maprotektahan ang ating mga pinagkukunan ng tubig.

Ipinakikita ng kanilang aktibidad na ang pangangalaga sa kalikasan ay maaaring maging bahagi ng rehabilitasyon, paglilingkod, at pagbibigay ng panibagong pagkakataon sa komunidad.

Nagpapasalamat ang San Pablo City Water District sa San Pablo City Parole & Probation Office sa kanilang pakikiisa sa mga programang pangkalikasan. Ang ganitong mga programa ay inaasahang makahihikayat sa iba pang mga tanggapan at organisasyon na makiisa sa mga gawaing nagtataguyod ng pangangalaga sa ating kalikasan at mga pinagkukunan ng malinis na tubig.

#SPCWD #TreePlanting #WaterConservation #EnvironmentalAdvocacy #SanPabloCityParoleAndProbationOffice #ParoleAndProbationAdministration