11 SETYEMBRE 2026 | SPCWD, Nakibahagi sa 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill 2026
Nakiisa ang San Pablo City Water District (SPCWD) sa 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) 2026, kahapon, Setyembre 10, 2026, alas-2:00 ng hapon.
Sa isinagawang drill, muling naipakita ng mga kawani ang wastong pagtugon sa oras ng lindol, kabilang ang “Duck, Cover, and Hold,” bilang bahagi ng patuloy na pagsasanay sa pagiging alerto at handa sa anumang emergency.
Para sa SPCWD, ang ganitong pagsasanay ay mahalagang paalala na ang kaligtasan ay nagsisimula sa pagiging handa. Sa bawat drill, napapalakas ang kaalaman, koordinasyon, at kumpiyansa ng bawat isa na kumilos nang tama sa oras ng pangangailangan.
Para sa mga katanungan at iba pang concerns, maaari po kayong makipag-ugnayan sa SPCWD:
Facebook: San Pablo City Water District
