Sa pamumuno ni General Manager Ar. Michael M. Manansala, katuwang sina AGM for Admin, Finance and Commercial Mrs. Mildred C. Morga at AGM for Technical Services and Operations Engr. Diosdado A. Biglete, nagkaroon ng pagpupulong ang SPCWD Management Team noong Oktubre 06, 2026, Martes, upang talakayin ang mga kinakailangang aksyon upang mapaghandaan ang inaasahang matinding El Niño sa bansa.
Ayon sa DOST-PAGASA, kasalukuyang umiiral ang Stong El Nino sa Tropical Pacific at inaasahang lalakas patungo sa Very Strong El Nino, na maaaring magdulot ng below-normal rainfall, dry spells, at drought sa ilang bahagi ng bansa. Inaasahang magpapatuloy ang epekto nito hanggang sa unang bahagi ng 2027.
Kaugnay nito, tinalakay ng SPCWD Management Team ang mga hakbang upang maayos na mapangasiwaan at maprotektahan ang mga water sources, kabilang ang patuloy na monitoring ng 21 deep wells at 6 spring sources, pag-assess sa kondisyon at kapasidad ng mga ito, at pagtukoy sa mga service areas na maaaring makaranas ng mahina o pansamantalang pagkawala ng supply.
Tinalakay rin ang mga isasagawang aksyon upang mabawasan ang nasasayang na tubig o Non-Revenue Water (NRW) sa pamamagitan ng leak detection, pipeline inspection and maintenance, immediate repairs, at iba pa. Kasama rin sa paghahanda ang paglalaan ng alternative at emergency water sources, kabilang ang pagdaragdag ng mga water storage tanks, upang mapanatili ang sapat na supply at mabawasan ang posibleng service interruptions.
Sa pamamagitan ng maayos na koordinasyon at pagpaplano, patuloy na bumubuo ang SPCWD ng mga angkop na solusyon upang mapangalagaan ang water supply ng lungsod at matugunan ang pangangailangan ng mga konsesyonaryo.
Sa harap ng mga hamon na maaaring idulot ng El Nino, patuloy na nakatuon ang SPCWD sa pagpapanatili ng sapat, maaasahan, at de-kalidad na serbisyo ng tubig para sa lahat.
#SPCWD #ElNinoPreparedness #WaterSecurity #WaterSupply #SanPabloCity