SPCWD Technical Services Team nagsagawa ng Inspection and Assessment

SPCWD - CREAS

Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng San Pablo City Water District na mabigyan ng sapat na supply ng tubig ang mga residente ng Lynville San Marcos, nagsagawa ang SPCWD Technical Services Team ng Inspection and Assessment ng water system sa loob ng subdivision noong Martes,  Nobyembre 10, 2026.

Isinagawa ang inspeksyon upang masuri ang kasalukuyang kondisyon ng mga pasilidad at linya ng tubig sa lugar at matukoy ang mga posibleng problemang nakaaapekto sa water supply ng mga residente.

Patuloy na nagsasagawa ang SPCWD ng mga kaukulang hakbang upang mapabuti ang water service at matugunan ang pangangailangan sa tubig ng mga residente ng Lynville San Marcos.