Tree Planting of Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) CALABARZON Region – San Pablo City District Jail - Male Dormitory

SPCWD-CREAS

03 Hunyo 2026, Miyerkules | Maagang nagsama-sama ang mga kinatawan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) CALABARZON Region – San Pablo City District Jail - Male Dormitory para sa isang tree planting activity na nagsimula bandang 6:00 ng umaga sa Malabanban Watershed Forest Reserve, San Pablo City.

Sa pangunguna ni Jail Superintendent at District Jail Warden Jack Lord B. Cariño, nakapagtanim ng 50 seedlings ang 25 na nakiisa sa aktibidad bilang suporta sa pangangalaga ng kalikasan at proteksyon ng watershed.

Ang bawat punong naitanim ngayon ay isang hakbang tungo sa mas matatag na watershed at mas maaasahang suplay ng tubig para sa mga susunod na henerasyon. Ipinapakita rin ng aktibidad na ang pangangalaga sa kalikasan ay isang pananagutang maaaring gampanan ng bawat sektor ng lipunan.

Nagpapasalamat ang San Pablo City Water District sa pakikiisa ng BJMP San Pablo City District Jail - Male Dormitory sa mga programang pangkalikasan. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon sa iba pang organisasyon at institusyon na makibahagi sa mga gawaing nagtataguyod ng pangangalaga sa ating likas-yaman.

Patuloy na bukas ang aming tanggapan para sa mga organisasyon at institusyong nais makibahagi sa tree planting activities sa Malabanban Watershed.

#SPCWD #TreePlanting #WaterConservation #EnvironmentalAdvocacy #BJMPCALABARZON #SanPabloCityDistrictJailMaleDormitory