Tree Planting Philippine Institute of Certified Public Accountants (PICPA) San Pablo City Chapter

SPCWD - CREAS

06 Hunyo 2026, Sabado | Upang makibahagi sa pagdiriwang ng World Environment Day, nagsagawa ng tree planting activity ang Philippine Institute of Certified Public Accountants (PICPA) San Pablo City Chapter sa Malabanban Watershed Forest Reserve ngayong 8:00 ng umaga bilang suporta sa mga programang pangkalikasan.

Sa pagtutulungan ng 20 miyembro mula sa organisasyon, nakapagtanim sila ng 30 seedlings bilang ambag sa patuloy na rehabilitasyon at pangangalaga ng watershed na mahalagang pinagkukunan ng tubig ng komunidad. Ang kanilang pakikiisa ay patunay na ang pangangalaga sa kalikasan ay isang sama-samang responsibilidad na nangangailangan ng patuloy na pagkilos at pakikibahagi ng iba't ibang sektor ng lipunan.

Nagpapasalamat ang San Pablo City Water District sa Philippine Institute of Certified Public Accountants (PICPA) San Pablo City Chapter sa kanilang suporta at pakikibahagi sa mga adhikaing pangkalikasan ng distrito.

Patuloy na bukas ang aming tanggapan para sa mga organisasyon, institusyon, at mga grupong nais makiisa sa tree planting activities sa Malabanban Watershed.

#SPCWD #TreePlanting #WaterConservation #EnvironmentalAdvocacy #PICPAIRRI_UPLB #PICPALIPACITY #PICPAROMBLON #PICPASanPabloCityChapter