Nagsagawa ng isang tree planting activity ang 59th Infantry (Protector) Battalion, Philippine Army Protector Troopers katuwang ang D’ United Heroes Eagles Club kahapon, ika-22 ng Hunyo 2026 sa Malabanban Watershed Forest Reserve, San Pablo City, bandang alas-9 ng umaga.
Sa kabuuang 30 volunteers mula sa dalawang organisasyon, naitanim ang 200 assorted seedlings kabilang ang Narra, Kasoy, Molave, at Duhat. Bukod dito, nagbigay rin sila ng 300 karagdagang seedlings na mapapakinabangan ng iba pang mga organisasyon at institusyong nagnanais ding makiisa sa mga susunod na tree planting activities bilang suporta sa adbokasiyang pangkalikasan.
Dahil sa patuloy na pagsuporta ng iba’t ibang organisasyon sa layunin ng SPCWD na mapalawak ang mga programang nakatuon sa water sustainability at environmental protection, mas napapalakas ang sama-samang pagkilos para mapangalagaan ang Malabanban Watershed—isang mahalagang pinagkukunan ng tubig na tumutulong sa pagpapanatili ng sapat at tuloy-tuloy na suplay ng tubig para sa buong komunidad.
Ang mga ganitong aktibidad ay patunay na sa pamamagitan ng aktibong pakikibahagi ng iba’t ibang sektor, mas nagiging epektibo ang mga hakbang tungo sa pangangalaga ng kalikasan at pagprotekta sa ating mga water sources para sa kapakinabangan ng kasalukuyan at ng mga susunod pang henerasyon.
#SPCWD #TreePlanting #WaterConservation #WatershedProtection #EnvironmentalResponsibility #59thInfantryProtectorBattalion #DUnitedHeroesEaglesClub
