23 Hunyo 2026, Martes | Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-35 anibersaryo ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), nagsagawa ng isang tree planting activity ngayong araw ang BJMP CALABARZON Regional Office, BJMP Laguna Province, at San Pablo City District Jail – Male Dormitory sa Malabanban Watershed Forest Reserve, Brgu. Sto. Angel, San Pablo City.
Nagkaroon ng maigsing programa na pinangunahan ni Jail Superintendent at District Jail Warden Jack Lord B. Cariño, kasama si Jail Provincial Administrator Reyno M. Damaso. Nagbigay ng mensahe si Regional Director Isabelo V. Cartin Jr. ng BJMP CALABARZON, kung saan binigyang-diin niya na ang mga ganitong aktibidad ay hindi lamang mahalaga sa pangangalaga ng kalikasan kundi nakatutulong din sa pangkalahatang kalusugan at kapakanan ng komunidad, na nagpapakita na ang isang malusog na kapaligiran ay may malaking epekto sa kalidad ng pamumuhay ng mga tao.
May kabuuang 130 participants ang nakiisa sa aktibidad kung saan naitanim ang mahigit 200 seedlings.
Sa patuloy na pakikiisa ng BJMP CALABARZON sa mga programang pangkalikasan ng SPCWD, ipinapakita nila ang kanilang matatag na suporta sa pangangalaga at proteksyon ng kalikasan, gayundin sa pagsusulong ng water sustainability.
Ipinahayag din ng kanilang tanggapan ang hangarin na ipagpatuloy ang aktibidad na ito sa mga susunod pang taon bilang bahagi ng kanilang patuloy na adbokasiya para sa environmental protection. Ito na ang ikalawang taon na isinagawa ng BJMP CALABARZON ang tree planting activity sa Malabanban Watershed bilang bahagi ng kanilang tuloy-tuloy na suporta sa mga programang pangkalikasan.
#SPCWD #TreePlanting #WaterConservation #EnvironmentalAdvocacy #BJMPCALABARZON #BJMPLagunaProvince #SanPabloCityDistrictJailMaleDormitory
