Barbie Diaz Tree Planting

SPCWD - CREAS

27 Hunyo 2026, Sabado | Ginawang mas makabuluhan ni Konsehala Barbie Diaz ang pagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong araw sa pamamagitan ng isang Birthday and Tree Planting Celebration na isinagawa bandang 8:30 ng umaga sa Malabanban Watershed Forest Reserve, San Pablo City.

Pinangunahan ng tanggapan ni Konsehala Diaz at dinaluhan ng iba't ibang organisasyon at grupo ang aktibidad, kung saan humigit-kumulang 600 ang nakiisa at matagumpay na nakapagtanim ng nasa 1,400 seedlings bilang ambag sa pangangalaga ng kalikasan at pagpapanatili ng watershed na pinagkukunan ng tubig ng komunidad.

Sa halip na isang tradisyunal na pagdiriwang, pinili ni Konsehala Diaz na gawing pagkakataon ang kanyang kaarawan upang makapag-iwan ng positibong ambag sa kapaligiran at makapagbigay inspirasyon sa iba na ipagdiwang ang mahahalagang okasyon sa paraang may pangmatagalang benepisyo sa komunidad at sa kalikasan.

Nagpapasalamat din ang San Pablo City Water District sa pagmamahal ni Konsehala Barbie Diaz sa kalikasan at sa pagpili sa Malabanban Watershed Forest Reserve bilang lugar ng kanyang pagdiriwang.

Sa panahon kung saan lalong mahalaga ang pangangalaga sa ating likas-yaman, nawa'y magsilbing inspirasyon ang inisyatibong ito sa iba pang mga lingkod-bayan, organisasyon, at mamamayan na maging bahagi ng sama-samang pagkilos para sa isang mas matatag na kinabukasan.